Mga dadalaw sa Loyola Memorial Park  ngayong araw, inaasahang aabot sa 100K

Inihayag ng pamunuan ng Loyola Memorial Mark sa Marikina na nasa 100,000 mga indibidwal ang inaasahang dadagsa sa Loyola Memorial Park ngayong araw, November 1.

Ayon kay Gabriel Dela Paz, administrator ng Loyola Memorial Park sa Marikina, nasa 60,000 ang mga nakalibing dito sa 38,000 square meters kaya at inaasahan na nilang maraming pupunta para mabisita ang puntod ng kanilang mahal sa buhay.

Dito rin nakalibing ang ilang kilalang personalidad gaya nila Nida Blanca, German Moreno, Francis Magalona at dating Senador Miriam Defensor Santiago.


Marami na rin mga nakumpiskang mga sigarilyo, posporo, lighter at mga baraha na mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan ng naturang sementeryo.

Facebook Comments