Isang kakaiba at unique na puting strawberry, ibinebenta sa Japan

Manila, Philippines – Isang kakaiba at very unique na strawberry ang ipinagmamalaki ngayon dahil itinuturing ito na bihira at pinakamahal sa buong mundo.
Ang white jewel (shiroi houseki), na isang kulay puting strawberry na matatagpuan lamang sa farm ni Yasuhito Teshima sa may Saga Prefecture sa Northwest ng Kyushu.
Hindi hamak na mas masarap at mas malaki ito kumpara sa mga ordinaryong strawberry na madalas nating nakakain kung saan maging ang loob nito ay kulay puti din.
Isa daw sa sikreto kung bakit naiiba ang kulay nito ay dahil mas mababa daw ang exposure nito sa sunlight kaya’t kakauntilang ang level ng anthocyanin na siyang nagpapa-pula dito.
Aabot naman sa $10.00 o katumbas ng P505.00 ang bawat isa nito.

Facebook Comments