Isang kilometro na taas ng usok, sumingaw sa Bulkang Taal ayon sa PHIVOLCS

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng publiko kasunod ng paglalabas ng usok nito.

Sumingaw ang isang kilomentrong usok sa bunganga ng Bulkang Taal matapos mabasa ang ibabaw habang nanatiling mainit nito.

Kasunod nito nilinaw ng PHIVOLCS na walang pagsabog na naganap at ang nakitang usok ay epekto lang ng thunderstorm kahapon hanggang kaninang madaling araw


Sa katunayan, wala silang naitala ni isa na volcanic earthquake sa buong magdamag.

Aabot naman sa 3298 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan habang sa ngayon ay nasa Alert Level 2 pa rin ang Bulkang Taal.

Facebook Comments