Sa tingin ni Deputy Minority Leader and ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, hindi napag-aralang mabuti at hindi rin naidaan sa malawak na konsultasyon ang pagtapyas sa taripa na ipinapataw sa imported na bigas.
Bunsod nito ay duda si Castro na magbubunga ito ng pagbaba sa presyo ng bigas at baka makabawas pa ito sa tulong na ibinibigay sa ating mga magsasaka.
Nangangamba pa si Castro na makikinabang lang dito ang mga traider o mga negosyante.
Muling iginiit ni Castro na ang tunay na solusyon sa mataas na presyo ng bigas ay palakasin ang lokal na produksyon at huwag umasa sa importasyon.
Facebook Comments