Isang kongresista, may hinala na sinadya ang power glitch sa NAIA para maigiit ang pagsasapribado sa paliparan

Hindi maiwasan ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na maghinala kaugnay sa panibagong insidente ng power glitch sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Mayo uno.

Ayon kay Castro, hindi masisisi ang mamamayan na mag-isip na ito ay sinadya umano para mapabilis ang pagbebenta at pagsasapribado ng NAIA.

Sabi ni Castro, ito ay kahit hindi kinokonsulta ang mamamayan pero ang ending ay taumbayan din ang babalikat ng gastos.


Ipinunto pa ni Castro, palaging iniaanunsyo na may P100 bilyong unsolicited proposal para sa rehabilitasyon ng NAIA pero nagkaroon muli ng power outage.

Ipinaalala ni Castro ang anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) noong December 30, 2022 ukol sa privatization sa NAIA, nasundan ng power outage nitong January 1, 2023.

Dismayado rin si Castro, hanggang ngayon ay hindi pa nasisiyasat ng lubusan at wala pang napapanagot sa nangyaring iregularidad at lapses noong New Year outage na naglagay rin sa panganib ng seguridad sa bansa.

Facebook Comments