Kalusugan ng mga pulis ngayong tag-init, pinatitiyak

Nais ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda na matiyak ang magandang kalusugan at kondisyon ng mga pulis partikular ang mga nasa field ngayong panahon ng tag-unit.

Ayon kay PNP Public Information Office Police Col. Red Maranan, inatasan ni Acorda ang PNP Health Service na tingnan ang kalagayan ng bawat pulis.

Aniya, ito’y para magampanang maigi ng mga pulis ang kanilang trabaho sapagkat katawan ang kanilang puhunan.


Ani Maranan, mayroong opisina ang Health Service sa bawat PNP provincial offices na siyang nagmo-monitor sa mga pulis at sa kanilang pangangailangan pagdating sa kalusugan.

Payo pa nito lalo na ang mga nagmamando ng trapiko at nagpapatrolya na manatiling hydrated at sumilong sa mga lugar na hindi direktang natatamaan ng araw lalo na kung tanghaling tapat.

Facebook Comments