Isang kongresista, pabor na gawing legal ang operasyon ng mga maliliit na minahan

Suportado ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang plano ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na gawing legal ang operasyon ng mga small scale-mining at magdeklara ng mas maraming minahang bayan sa buong bansa.

Tiwala si Villafuerte na mainam na hakbang ito para mabantayang mabuti ang mga maliliit na minahan at mapigilan ang mga small scale illegal-mining activities.

Kumbinsido si Villafuerte na ang naturang plano ng DENR ay makakapag-paunlad sa domestic mining habang pinoproteksyunan ang ating kalikasan.


Kaugnay nito ay iminungkahi ni Villafuerte sa DENR na gawing simple ang proseso sa pag-isyu ng mga business permit registration para mahikayat ang mga small-scale miners na gawing legal ang kanilang operasyon.

Facebook Comments