Isang kongresista, pinatitiyak na walang criminal prosecution sa mga batang masasangkot sa krimen

Manila, Philippines – Ipinatitiyak ni House Deputy Speaker Pia Cayetano sa Kamara na hindi ituturing na kriminal ang mga batang makakalabag sa batas kasunod ng panukalang nagbababa sa minimum na edad ng criminal liability.

Sa position letter ni Cayetano sa Committee on Justice, naniniwala ang kongresista na tama lang na papanagutin ang mga batang nagkasala pero pinatitiyak nito na hindi sasailalim sa criminal prosecution ang mga bata lalo na ang mga siyam na taong gulang.

Kinikilala ng mambabatas na nakakaapekto sa pag-uugali at pagiging marahas ng mga bata ang kanilang kapaligiran, tahanan at komunidad.


Ngunit dapat pa ring tiyakin na mapapangalagaan ang kapakanan at pagbabago ng isang batang nagkasala sa batas.

Dagdag pa ni Cayetano, suportado niya ang sentimiyento ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa mga sindikatong gumagamit ng mga bata para gumawa ng krimen kaya mahalagang magpatupad ng komprehensibong rehabilitasyon.

Facebook Comments