Isang kongresista, umaasang lalagdaan agad ni PBBM ang Maritime Zones Bill

Umaasa si Negros Occidental Representative Kiko Benitez na agad malalagdaan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Maritime Zones Bill.

Pahayag ito ni Benitez makaraang makalusot na ang nabanggit na panukala sa
Bicameral Conference Committee na pinamumunuan nina Sen. Francis Tolentino at Representative Maria Rachel Arenas.

Paalala ni Benitez, nangako si PBBM na isasabatas ang nabanggit na panukala sa naging talumpati nito sa Shangri-La Dialogue na ginanap sa Singapore noong Mayo.


Para kay Benitez, dapat ay noon pa naisabatas ang panukalang Maritime Zones Law na tutukoy sa hangganan ng karagatang sakop ng ating teritoryo sang-ayon sa ating konstitusyon at sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Tiwala si Benitez na mapalalakas nito ang pagsusulong ng ating soberenya at hurisdiksyon kasama ang West Philippine Sea na sakop ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) at sa Philippine Rise.

Ayon kay Benitez, Maritime Zones Bill ay magbibigay proteksyon sa ating karagatan laban sa ilegal na pagpasok ng mga dayuhang barko.

Facebook Comments