Isang kongresista, umapela na ipagpaliban ang planong pagmultahin ang mga riders na sumisilong sa footbridge at flyover

Nakiusap si 1-Rider Patylist First Representative Rodge Gutierrez na habang walang alternartibong solusyon ay ipagpaliban muna ang planong pagpapataw ng multa sa mga sumisilong sa ilalim ng footbridge at flyover habang nararanasan pa natin ang tag-ulan.

Apela ito ni Gutierez kasunod ng anunsiyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na simula sa Agosto 1 ay iisyuhan na ng violation ticket ang mga rider na sisilong sa ilalim ng footbridge at flyover.

Sang-ayon si Gutierez na hindi nga dapat sumisilong sa ilalim ng mga tulay ang riders.


Pero paliwanag ni Gutierez, napipilitan ang mga riders na ito ay gawin dahil delikadong magmaneho at magkasakit kapag biglang naabutan ng malakas na buhos ng ulan.

Kinwestyon din ni Gutierrez kung bakit nagmamadali na pagmultahin agad ang mga riders gayong hindi pa naihahanda at naiaanunsiyo ng tama kung saan ba ang mga wastong sisilungan nila at kung paano ang sistema.

Facebook Comments