Isang Korean National, kaloboso matapos mang-molestiya

110

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang Korean National matapos mang-molestiya ng dalawang dalagita na may edad 15 at 12-anyos sa BF homes, Parañaque City.
Sa ulat, nakita na lamang ang mga biktima na tumatakbo mula sa kotse na nakaparada sa gasolinahan na pag-aari ng suspek na si Bin Hun Bae, 32-anyoa saka humihingi ng tulong sa mga nagro-rondang mga tanod.
Nabatis na naglalakad ang mga biktima sa president avenue nang hintuan ng suspek sakay ng kotse na may plakang UQP-561.
Nagtanong ang suspek nang direksyon dahil naliligaw daw siya kaya’t niyaya niya ang mga biktima na sumakay sa kaniyang sasakyan.
Pagsapit sa gasolinahan, nagpakita ng kaniyang ari ang suspek kung saan giit naman nito na hindi niya iyon ginawa at pineperahan lamang ito ng mga biktima.

Facebook Comments