Sasakyan, nagkarambola sa NLEX sa Quezon City

288

Manila, Philippines – Nagkarambola ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX), bahagi ng Camachile, Quezon City, kaninang umaga.
Nagsimula ang aksidente nang mawalan ng preno ang isang 6-wheeler van sa southbound loading and unloading area.
Inararo ng van ang limang sasakyan, kabilang na ang isang 6-wheeler aluminum van, isang Hyundai, isang Nissan urvan at dalawang Toyota fortuner.
Ilang motorista na sangkot sa insidente ang nagtamo ng minor injuries, bagamat hindi pa tiyak ang kanilang bilang.
Naialis naman na sa lugar ang mga naaksidenteng sasakyan pero nagdulot pa din ito ng pagsikip ng daloy ng trapiko.

Facebook Comments