Isang Kumpanya ng Langis, Namahagi ng P3M Halaga ng STEM Tools sa mga Public High School!

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa halagang P3-Milyong piso ng Science Technology, Engineering and Math o STEM tools ang naipamahagi ng isang kumpanya ng langis sa 30 public high schools sa Region 02 at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Ang mga nakinabang sa naturang programang Caltex Fuel Your School o CFYS ay halos 40,000 na mag-aaral sa public high schools mula sa probinsya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Kalinga at Ifugao.

Laking pasasalamat ng mga guro sa naturang halaga ng kagamitan na makakatulong sa kanilang pagtuturo upang mas mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pag-aaral sa makabagong teknolohiya.


Kaugnay nito, binigyan ng karagdagang kagamitan ang Nueva Vizcaya General Comprehensive High School matapos na makapagtala ng may pinakamaraming likes sa social media.

Nabigyan din ng karagdagang gamit sa pagtuturo ang Solano High School na may pinakamataas na bilang ng hashtags ng kumpanya maging ang Alicia National High School na nakakuha naman sa most fuel ups na umabot sa 10, 546 liters.

Ang nalikom na pondo ay mula sa mga nahihikayat ng mga mag-aaral at guro na magpagasolina sa nasabing kumpanya ng langis kung saan kada litro ay piso ang mapupunta sa kanilang eskwelahan upang pambili ng mga kagamitan ng mag-aaral.

Facebook Comments