Reina Mercedes, Isabela-Muli na namang pinasalamatan ng Universal leaf Philippines Incorporated ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga tabakosa pamamagitan ng raffle draw kung saan milyon-milyong cash at equipments. ang ipinamahagi nito.
Ayon kay Ginoong Joven Domingo, Production Manager ng nasabing kumpanya, ang nasabing ULPInaryo Raffle Promo ay bahagi umano ng pagtanaw ng utang na loob sa mga tabako farmers na walang sawang sumusuporta sa adhikaing na makagawa ng magandang kalidad ng tabako.
Aniya, patuloy ang kanilang ginagawang panghihikayat sa mga magsasaka upang magtanim ng tabako bilang isang uri ng pagkakakitaan. Dagdag nito na mas malaki ang kita ng isnag magsasaka kung tabako ang kanyang itatanim dahil mas maraming suporta ang kanilang ipinagkakaloob sa mga ito.
Kanya rin ipinagmalaki na ang produksyon ng tabako sa Lambak ng Cagayan ay ikinokonsidera na pang- World Class ang kalidad nito kaya’t mas marami ang tumatangkilik sa pandaigdigang kalakalan.
Samantala, kanya rin hinikayat ang mga local governments unit na nakakatanggap ng buwis mula sa tabako na bigyan ng prayoridad ang mga farmers nito at ibigay ang mga karampatang benepisyo.
Una rito, kahapon ay nagkaroon ng raffle promo ang nasabing kumpanya para sa mga magsasaka para sa mga nagtatanim ng tabako kung saan ilan sa mga mapapanalunan ay isang traktora bilang grand prize, sampung kuliglig, daang libong pisong cash prizes, mga alagang baka at kalabaw at iba pa kung saan naiuwi ng taga-lalawigan ng Nueva Vizcaya ang major prize sa katauhan ni Allan Blanco Valdez ng Bagabag, Nueva Vizcaya na EuroTac 45HP Farm Tractor.