*Benito Soliven, Isabela- *Natimbog ang isang lalaki matapos na matiklo sa pagnanakaw ng alagang hayop sa Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.
Kinilala ang suspek na si Junmark Moises, 23 anyos habang ang biktima na may-ari ng baka ay nakilalang si Mario Placido, 66 anyos, magsasaka at kapwa residente ng Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.
Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Benito Soliven na nagtungo ang suspek sa bahay ni Kagawad James Diemsen ng Brgy. Punit, Benito Soliven, Isabela upang ibenta ang baka na pagmamay-ari ng biktima.
Nang hanapan ni Kagawad Diemsen ng mga kaukulang dokumento ang suspek ay wala itong maipakita kaya’t agad na nakipag-ugnayan si Diemsen sa Kapitan ng Brgy. Yeban Sur hanggang sa nabatid na ang ibinebentang baka ng suspek ay naitalang nawawala kahapon.
Dito na inaresto ni Diemsen ang suspek at ipinasakamay sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyopn at disposisyon.
Mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 533 o The Anti-Cattle Rustling Law si Junmark Moises.