Isang lalaki, arestado sa iligal na droga sa Sta. Ana, Maynila

Kalaboso ang isang lalaki matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa Barangay 885 zone 97, Sta. Ana, Maynila.

Nakilala ang suspek na si Jessie Pasion, 36-anyos at residente ng Mendoza Street, Mandaluyong City.

Nasakote ang suspek sa may bahagi ng Lamayan kanto ng Sta. Clara Street kung saan natiyempuhan lang ito ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station-6.


Nakuha sa suspek ang dalawang sachet ng shabu na may bigat na kalahating gramo at nagkakahalaga ng P3,800.00.

Todo tanggi ang nadakip na suspek na nagbebenta ng iligal na droga pero aminado naman na gumagamit nito pero hindi na sinabi kung saan at kanino niya ito nabili.

Facebook Comments