Isang Lalaki, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

Jones, Isabela – Natimbog na ng mga otoridad ang Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng Jones, Isabela matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas dose kaninang tanghali sa Brgy. Abulan ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek na si John Angel Duldulao Paguyo alyas “Potpot” at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Jones ang suspek matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Bonifacio T. Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kasong Statutory Rape.


Dinala na sa himpilan ng PNP Jones ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago itinurnover sa court of origin nito.

Facebook Comments