Multi-Level Parking Area sa Baguio, Malapit na!

29

Baguio City, Philippines – Naglaan ng 410 milyong pisong budget ang lokal na gobyerno para plinaplanong pagpapatayo ng 8-storey multi-level parking at legislative building sa lote na pag aari ng gobyerno malapit sa Baguio Fire Department. 

Makukuha ang 210 milyong piso sa annual budget noong nakaraang taon samantalang kukunin naman ang natitirang 200 milyon sa budget ngayong taon. 

Ayon kay Architect Johnny Degay ng City Building and Architecture Office o CBAO ay maaring hindi magkasya ang inisyal na pondo para sa pagpapatayo ng multi-level parking at legislative building kaya naman pagkakasyahin muna nila ito at saka nalang irerequest ang magiging kulang sa susunod. 

Ang Multi-Level Parking at Legislative Building ay iminungkahi ng kasalukuyang Administrasyon.

iDOL, sang-ayon kaba?

Facebook Comments