ISANG LALAKI, ARESTADO SA KASONG RA 11930

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad mula sa Diffun Police Station (PS), matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Mon”, nasa hustong gulang, at nakatira sa Malabbac, Iguig, Cagayan.

Ang nabanggit na warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Remalie Corbe-Cardenas ng RTC Branch 31, Cabarroguis, Quirino na may petsang ika-19 ng Disyembre kung saan ay walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.


Dinala sa Diffun PS ang suspek para sa mga kaukulang dokumentasyon, at kasalukuyang nahaharap sa kasong RA 11930 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children.

Kasama sa operasyon ang Regional Anti-Cybercrime Unit 2 (RACU 2), Quirino Provincial Intelligence unit (QPIU), Regional Intelligence Unit 2 (RIU 2), at 1st Quirino Provincial mobile Force Company (QPMFC).

Facebook Comments