Isang Lalaki, Arestado sa Paglabag sa VAWC!

*Gamu, Isabela- *Bagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Buenavista, Gamu, Isabela.

Huli sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Andrew U Barcena ng RTC Branch 17, Hall of Justice, Ilagan City, Isabela ang akusado na si Cardwin Somera, 37 anyos, caretaker, at residente ng Brgy. Buenavista, Gamu, Isabela.

Si Cardwin Somera ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their children (VAWC) at pansamantalang makakalaya kung makakapag piyansa ng P36,000.00.


Dinala na sa Provincial Hospital ang akusado para sa medical examination bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments