CSWD Ilagan City, Umalma sa mga Batikos sa Kanilang Tanggapan!

*Ilagan City, Isabela-* Hinamon ng tanggapan ng City Social Welfare and Development Office ng Lungsod ng Ilagan na patunayan ng mga bumabatikos kaugnay sa diumano’y wala silang ginagawang aksyon sa mga batang palaboy sa Lungsod ng Ilagan.

Nag-ugat ang nasabing usapin matapos na lumabas sa social media ang post ng isang mamamahayag na larawan ng dalawang batang paslit na natutulog sa sahig na umanoy kalahating taon nang ginagawang bedroom ng dalawang palaboy at sinasabing walang aksyon ang nasabing tanggapan.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Ginang Evalyn Bacungan, City Social Welfare and Development Officer ng Ilagan, malaki anya ang kanilang inilalaang pagsisikap upang mabigyan ng serbisyo ang mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.


Iginiit nito na mayroon silang iba’t-ibang aktibidad na isinasagawa sa kanilang siyudad gaya ng family counselling upang matiyak na nababantayan ng mabuti ang kanilang mga anak.

Paalala nito sa lahat na bago anya husgahan o maglabas ng pahayag sa isang bagay ay tiyakin muna ito bago sabihin sa publiko.

Facebook Comments