Isang Lalaki, Kritikal Matapos Sumalpok ang Sinasakyang Motorsiklo sa Sasakyan!

*Naguilian, Isabela*- Nasa Kritikal na kalagayan ang isang lalaki matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang sasakyan sa kahabaan ng Pambansang lansangan ng brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang kritikal at drayber ng motorsiklo na si Heherson Balbin, trenta anyos at residente ng Brgy. San Manuel, Isabela habang ang drayber naman ng nabanggang sasakyan ay kinilalang si Miladis Afidchao, kwarentay dos anyos, isang guro at residente ng Brgy. Bayo, Iguig, Cagayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Naguilian, pareho umanong binabaybay nina Balbin at Afidchao ang naturang lansangan at habang lumiliko si Afidchao upang magpakarga ng gasolina ay bigla umanong natumbok ng sumusunod na motorsiklo ni Balbin.


Sa lakas na impak ng banggan ay nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ni Balbin na agad namang isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa ospital si Balbin habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ang kapulisan hinggil sa naturang insidente.

Facebook Comments