Isang lalaki na hinihinalang miyembro ng isang local terrorist group sa Sarangani, arestado

70

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng isang local terrorist group sa Maasim, Sarangani.

Ang suspek na nakilalang si Moralen Conception Mashoy, residente ng barangay kanalo ay nahuli sa ikinasang drug buy-bust operation, lunes ng umaga.

Nasabat mula sa suspek ang pitong sachet ng shabu.


Ikinasa ang operasyon laban sa suspek, makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta ito ng ilegal na droga sa nasabing barangay.

Si mashoy ay kabilang sa mga pinaghihinalaang miyembro ng ansarul Al-Khilafa Philippines, na isa sa apat na local terror groups sa lugar.

Facebook Comments