Isang lalaki na tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Taguig, arestado sa buy-bust operation

61

Timbog ang isang lalaking na nagtutulak umano ng ipinagbabawal na droga sa Taguig City matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kanya pasado alas-9:30 ng Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Robert Patricio Dalida, 36-anyos, at residente ng 415G Capistrano St., Tartaria Palingon, Tipas ng naturang lungsod.


Nakuha mula sa kanya ang 5.1 grams na umano’y shabu na nagkakahalaga ng P34,680.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Dr. Natividad, Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City matapos makumpirma ang ilegal na transaksyon ng suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig Police Sub-Station 5 at nahaharap ito sa kasong pag labag sa Dangerous Drugs Act of 2002

Facebook Comments