Loose Firearms isinuko sa Militar, isa pang BIFF Member nagbalik loob sa Gobyerno

34

Sumuko sa militar ang isang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) .
Ang sumukong BIFF member ay iprinisenta kay 1st Mechanized Infantry Brigade Commander Col. Jesus Rico Atencio sa isang simpleng seremonya sa 1st Mechanized Brigade Headquarters sa Brgy Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.
Ang surrenderer ay nagmumula sa bayan ng Mamasapano na hindi na pinangalanan ay sinamahan mismo ni Mamasapano Mayor Akmad Ampatuan kung saan isinuko din nito ang isang caliber 5.56 M16 rifle.

Samantala Ilang loose firearms naman ang isinuko sa bayan ng Datu Piang sa lalawigan ng Maguindanao.
Iti-nurn-over ni Mayor Victor Samama ang loose firearms na galing sa kanyang nasasakupan.
Ang mga armas na isinuko ay kinabibilangan ng 2 caliber 30 Garrand rifles, isang carbine rifle, at isang caliber 7.62 sniper rifle.
Binati naman ni Joint Task Force Central at 6th Infantry Division Commander Maj Gen. Diosdado C. Carreon ang local chief executives ng Mamasapano at Datu Piang sa kanilang kooperasyon at suporta sa militar sa pagpapalaganap ng kapayapaan.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments