Isang Lalaki, Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610!

Cordon, Isabela – Dinakip ng mga kasapi ng PNP Cordon ang isang lalaki sa kasong paglabag sa RA 7610 matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Virgilio Castro Bayya, 39 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Bayya sa pangunguna ni Police Inspector Allan Batara pasado ala una ng hapon matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Cresencio I. Maliwat ng RTC Branch 21, Santiago City dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o (An Act Providing For Stronger Deterrence And Special Protection Against Child Abuse, Exploitation And Discrimination) sa ilalim ng criminal case number 21-9636.


Dinala na sa himpilan ng PNP Cordon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments