Isang lalaki patay, matapos pagtatagain sa Makati City

57
Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain ng isang construction worker na nakaalitan niya sa Makati City.
 
Ang biktima ay nakilala lamang sa alyas na “Bon-Bon” habang hawak na ng pulisya ang suspek na si Ricky Gomez kung saan nakuha mula sa kanya ang isang bolo na ginamit sa krimen.
 
Batay sa report ng Makati police, sinasabing naganap ang pamamaslang sa A.P. Reyes Street, Barangay Tejeros sa naturang lungsod.
 
Kasalukuyan pa rin iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.


Facebook Comments