TNT Ka-Tropa, panalo kontra Phoenix Fuel Masters sa PBA commissioners cup

Manila, Philippines – Naitala ng TNT Ka Tropa ang una nilang panalo matapos talunin ang Phoenix Fuel Masters sa iskor na 134-109.
 
Nanguna sa katropa si Lou Amundson na may 20 points at walong rebounds.
 
Nag-ambag naman 18 points sina Ranidel De Ocampo at Troy Rosario habang mayroong 17 points si RR Pogoy at mayroong 10 points si Ryan Reyes.
 
Samantala, tinalo ng Rain or Shine Elasto Painters ang Blackwater Elite sa iskor na 95-88.
 
Pinangunahan ni shawn taggart ang painters na nakapagtala ng 26 points at 12 rebounds habang mayroong tig 12 points sina Jericho Cruz at Mav Ahanmisi.
 

Facebook Comments