Isang lalaki, pinagbabaril patay sa Navotas

93
Manila, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakilalang lalaki matapos na pagbabarilin umano ng riding in tandem sa San Rafael Village, Navotas City kagabi.
 
Ang  biktima ay tinatayang may edad 25 hanggang 30 anyos, may katamtamang pangangatawan at may tattoo na ‘delos reyes’ sa dibdib.
 
Ayon kay PO3 Allan Bangayan ng Navotas City Police, pasado alas onse kagabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa kanto ng R. Nicasio st Escoda St.kung saan  ilang residente umano ang  nakarinig ng sunod sunod na putok ng baril sa lugar at mayat mayat  natagpuan na ang bangkay ng biktima sa lugar.
 
May tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima kung saan wala namang nakakita sa mga suspek na sinasabing sakay ng motorsiklo.
 
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at tininitingnan din kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen.


Facebook Comments