Mag live in partner, arestado dahil sa ilegal na droga sa QC

287
Manila, Philippines –  Arestado ang mag live in partner na tulak umano ng illegal na droga sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Central sa Quezon city.
 
Kabilang sa mga naaresto ang target na si Sandy Ganancial alyas “Pandong” na supplier umano ng shabu sa Boracay Area sa Brgy. Pinyahan at kinakasamang si Jasmine Martinez na 2 buwang buntis
 
Naaresto ang mga suspek matapos bumili ang isang poseur buyer ng 2k halaga ng shabu sa target na si alyas Pandong pasado alas 10 ngayong gabi sa sa kanto ng Mapagbigay at Matiyaga st.
 
Nang magkaabutan na ng shabu at buy bust money..dito na inaresto ng back up team ng QCPD Station 10 Drug Enforcement Team ang mag live in partner kung saan naabutan pa uamno  na nagtatarya ng shabu si Martinez.
 
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 2 libong pisong buy bust money, 2 bulto at 10 plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
 
Itinatanggi pa ng maglive in partner na kanila ang shabu pero aminadong gumagamit sila. 


Facebook Comments