Isang lalaki, pinagbabaril sa Q.C patay

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang gunman sa Dumalay St. Brgy. Santa Monica Novaliches.

Nakilala lamang sa alyas Daniel ang biktima na may tama ng bala sa batok, sintido, dibdib at kaliwang kamay.

Ayon kay aling Edna Mangalindan, may-ari ng bahay, nakitira lang sa kanila ang biktima at 3 araw palang nanunuluyan.


Napag-alaman na nagtatago ang biktima matapos sugudin aniya ng pulis ang bahay ni Daniel sa Bagong Silang Caloocan.

Nakita sa Crime Scene, ang 3 basyo ng bala ng baril at isang deform bullet.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments