Lalaki, arestado matapos mahulihan ng droga sa Maynila

Manila, Philippines – Natimbog ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa operasyon ng pulisya sa Maynila.

Kinilala ni Police Supt. Ruben Ramos, hepe ng Raxabago-Tondo Police Station, ang naaresto na si Moises Tabilog alyas Ogie, 51-anyos at nakatira sa Cadena de Amor St. Tondo.

Nagsasagawa ng police visibility patrol ang mga pulis sa Maynilad Compound nang masita si Tabilog.


Nang kapkapan ito ay nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu kaya’t pinosasan ito ng mga awtoridad.

Inihahanda na ang kaukulang kasong isasampa laban sa naturang suspek.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments