ISANG LALAKI, PINAGHAHANAP MATAPOS MALUNOD SA IMBAKAN NG TUBIG

Cauayan City, Isabela- Pinaghahanap pa rin sa kasalukuyan ang isang lalaki na nalunod sa imbakan ng tubig sa Sitio Cuadra, Brgy San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan sa kamag-anak ng biktimang si Angelo Luis Velarde, 24 taong gulang, residente ng Purok 4, brgy. Alibagu, City of Ilagan, nakipag inuman pa umano ang biktima kahapon, April 1, 2021 bago mangyari ang insidente.

Pasado ala una ng hapon kahapon ay nagdesisyon umano ang grupo ng biktima na mamingwit subalit nagtungo muna ang mga ito sa imbakan ng tubig para maligo.


Napunta umano sa malalim na bahagi ng tubig ang biktima hanggang sa siya ay malunod.

Nagsanib pwersa na ang Rescue at pamilya ng biktima upang mahanap ang katawan nito.

Facebook Comments