Isang lalaki, pinakulong ng sariling ina

Manila, Philippines – Pinakulong ng sariling ina ang isang lalaki dahil sa pagtatangka niyang pasabugin ang kanilang bahay sa Brgy. CAA, Las PiƱas City.

Ayon kay Ginang Rosana Lisondra, nilagyan ng kanyang 32-anyos na anak na si Stanley ng tatlong pirasong paputok na 5 star ang kalan sa loob ng bahay.

Nagkaroon ng pagtatalo ang pamilya dahil sa usapin tungkol sa bahay na napatungan pa ng iba’t ibang isyu.


Bago ang insidente tungkol sa paputok na iniwan sa kalan, pinagbantaan pa umano ni Stanley ang kanyang ina na gigilitan.

Isinumbong kasi ni Ginang Rosana ang kanyang anak sa kanyang tatay nang magwala ito nang minsang malasing.

Gumagamit din umano ng iligal druoga si Stanley.

Itinanggi ni Stanley ang paratang pero aminado siya na nagpaputok siya ng 5 star sa labas ng bahay na isang paglabag sa city ordinance sa Las PiƱas, at nagdulot ng alarma at eskandalo sa mga kapitbahay.

Tatlong beses nang nakulong si Stanley nang masangkot sa away-kabataan.

Aminado siya na gumagamit din siya droga dati.

Facebook Comments