Isang Lalaki sa lungsod ng Ilagan, Huli sa Paglabag sa BP 22!

City of Ilagan, Isabela – Timbog ang isang lalaki sa kasong paglabag sa BP 22 o The Bouncing Checks Law matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas nueve kaninang umaga sa Brgy. San Andres, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Francisco Balisi Acorda, 52 anyos, may asawa, technician at residente ng Brgy. Marana 1st, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng Ilagan City Police Station si Acorda sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Romeo Carmelito C. Conge ng MTC 3rd Judicial Region, Pulilan, Bulacan dahil sa 2 counts na paglabag sa BP 22.


Dinala na sa PNP Ilagan City si Acorda para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang P36,000.00.

Facebook Comments