Isang Lalaki sa Naguilian, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

Naguilian, Isabela –Arestado ang isang lalaki matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas syete kaninang umaga sa Brgy. Minallo, Naguilian, Isabela.

Ang nadakip ay kinilalang si Eusebio Haggod Bun-ol, kwarentay dos anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng PNP Naguilian si Bun-ol sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Fe Viray-Albano ng 10th MCTC Roxas-Quirino, Isabela ng 2nd Judicial Region, Roxas, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Damage to Property.


Nasa himpilan na ng PNP Naguilian ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Bun-ol kung makakapaglagak ng kanyang piyansang nagkakahalaga ng pitong libong piso.

Facebook Comments