Sec. Bello at Sec. Lorenzana, ipinatawag ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng MalacaƱang na ipinatawag ni Pangulong Rorigo Duterte sina Defense Secretary Delfin Lorenzan at Labor Secretary Silvestre Bello III para sa isang pulong mamaya.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi naman niya alam kung ano ang dahilan kung bakit ipinatawag ng Pangulo ang dalawang miyembro ng kanyang gabinete.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay nasa Davao City parin si Pangulong Duterte para doon magpahinga.


Ito naman ay matapos kanselahin ng Pangulo ang kanyang aktibidad sa Tacloban City dahil sa sama ng kanyang pakiramdam.

Maliban naman aniya sa pakikipagpulong kina Bello at Lorenzana na nakatakda mamayang 6 ng gabi ay wala nang ibang aktibidad ang Pangulo ngayong araw.

Facebook Comments