Isang lalaki tiklo sa operasyon ng droga

Tiklo ang isang shoe repair boy na nagsa-sideline ng nagtutulak ng droga sa city plaza makaraan ang drug buy bust operation ng PDEA at PP1 Drug Enforcement team kahapon pasado alas singko ng hapon. Kinilala ang suspect nasi Paolo Gintawan Libas, na nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu at ang 500 pesos na mark money, dalawang cellphone. Ayon kay PCI Reynaldo Delanten na matagal na umano nilang namonitor na nagbebenta ng droga ang suspect sa mga driver ng multicab kayat kahapon ay ikinasa na nila ang operasyon makaraan ibalik nasa PNP ang paghuli sa sangkot sa kalakaran ng droga. Siyay nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments