MALIIT NGUNIT MALA HALIMAW SA LAKI NG CAPACITY

79

Idol, kung naghahanap ka ng pang regalo para sa kaibigan mong techy, pero kapos ka sa budget. Huwag kang mag-alala dahil napakarami na ngayong naglalabasang mga gamit na pwede mong iregalo. Tulad nitong usb flashdrive na sobrang cute sa liit, ngunit mala-halimaw naman sa laki ng storage capacity. Mantakin mong 1 Terabyte lang naman siya o mahigit kumulang sa 1000Megabytes. Swak ito para sa mga mahilig magdala ng napakaraming movies, software application para sa mga technicians at 1 to sawang kantahan para sa mga mahilig sa musika. Mababa na ang 400 pesos kung makakaswerte ka bestfriend. Ikaw, ano ang balak mong iregalo sa techy mong kaibigan na pasok sa budget?

Facebook Comments