Isang lalaki, tumalon sa riles ng MRT

Manila, Philippines -Nasa pagamutan na ngayon ang isang lalaki matapos tumalon sa riles ng MRT kagabi.

Nangyari ang insidente sa pagitan ng Cubao at Santolan station.

Ayon sa MMDA rescue team, wala pang pagkakakilanlan ang palaboy na lalaki.


Sa initial na report 7:40 kagabi unang nakita ng dalawang piloto ng MRT ang isang lalaki na gumagala sa tracks ng MRT at makalipas ang isang oras bigla nalang tumalon sa riles ng tren.

Agad rumesponde ang MMDA rescue habang naantala naman byahe ng MRT habang sinasagip ang biktima.

Facebook Comments