Magkapatid, patay sa pamamaril sa San Juan City

Manila, Philippines – Patay ang magkapatid sakay ng SUV matapos tambangan ng riding in tandem sa Brgy. Sta Lucia sa San Juan City kagabi.

Dead on the spot si Michael Marasigan dating journalist at kawani ng Department of Finance, matapos tamaan ng 6 na beses ng bala sa katawan.

Habang patay naman sa hospital ang kapatid nito na si Christopher.


Ayon kay Sr.Supt Lawrence Coop hepe ng San Juan pulis, sakay ang mga biktima ng gray na SUV na may plakang WOU 583 ng pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek sa kanto ng Barcelona at V. Cruz St.

Aabot sa 34 na bala ang nagkalat sa crime scene mula sa kalibre 45 at 9mm na baril.

Patuloy pa ang imbistigayon kung ano ang motibo sa krimen.

Facebook Comments