Isang lalaking drug pusher, arestado sa buy-bust operation sa Taguig City

34

Timbog ang isang lalaki na tulak umano ng ilegal na droga sa Taguig City, matapos ikasa ang buy bust operation laban sa kaniya.

Nakilala ang suspek na si Kenneth Caudilla Gorospe, 29-anyos, residente ng Purok 3 Extension Barangay Napindan, Taguig City.

Nakuha mula sa kaniya ang 5.5 grams na umano’y shabu na may katumbas na halagang P37,400.

Maliban sa ilegal na droga, narekober din mula sa kaniya ang isang cellphone at P700 na buy-bust money.

Nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments