Isang lalaking paralisado sa Amerika – muling naga wang kumain na mag-isa walong taon, matapos sumailalim sa brain implant

Amerika – Sa wakas matapos ang walong taon ay nagawa nang muling kumaing mag-isa ng isang lalaking paralisado sa Cleveland matapos na sumailalim sa brain implant.

 

Kamangha-mangha kasing nagagawa na basahin ang iniisip ni Bill Kochevar, 56-anyos gamit ang isang computer-based interface na nagpapadala ng signal para mapagalaw ang kanyang mga braso.

 

Ang experimentong ito ng Braingate ay dinisenyo para matulungan ang mga taong paralisado na muling maigalaw ang kanilang mga braso gamit ang kanilang pag-iisip.

 

Gamit ang brain interface system na ito, muli na niyang nagagawa nag mga simpleng bagay gaya nang pag-inom ng tubig, pagkakamot at pag-hihilamos na kontrolado niya gamit lang ang kanyang isip.

 

Sa ngayon ito ay experimento pa lamang ngunit ayon sa pagsusuri ay maari na itong gamitin.



Facebook Comments