Isang lalaking umano’y drug pusher, arestado sa Pasig

Timbog ang isang lalaking tulak umano ng iligal na droga matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya kahapon sa Lungsod ng Pasig,

Nakilala ang suspek na si Mark John Ventura Dela Cruz, 25-anyos, kasama sa drug watch list ng Pasig Police.

Nakuha mula sa suspek ang 10 grams ng umano’y shabu at nagakakahlaga ng P68,000.


Ginawa ang nasabing oprasyon sa Jenny’s Basketball Court ng Brgy. Rosario ng nasabing lungsod, matapos mabilhan ang suspek ng shabu na nagakakahalaga ng P500 ng isang pulis na nagpanggap poseur buyer.

Nakakulong na ang suspek sa Pasig City Police Station custodial Facility at nahaharap sa kasong pag labag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments