Apat na babae, arestado sa drug buy-bust operation sa Parañaque; higit P500,000 halaga ng shabu, nasabat

Naaresto ng Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Parañaque Police ang apat na babae matapos na kumagat sa drug buy bust operation sa Quirino Avenue, corner Lim Compound, Manggahan Street, Barangay San Dionisio Parañaque City.

Nagsagawa ng drug buy bust operation ang SDEU ng Paranaque sa pangunguna ni Police Major Brent Ian Salazar sa pamumuno ni Parañaque Chief of Police Col. Maximo Sebastian kung saan nagpanggap na buyer ang isa sa mga pulis.

Matapos na kumagat sa buy bust money agad na inaresto ng mga operatiba ang apat na suspect na nakilalang sina Myla Rodolfo y Manlangit, 43 years old, Maria Elena Conche y Gaspay, 60 years old, Gina Magyani y Manlangit, 57 years old, at Annalyn Dela Cruz y Cerezo, 33 years old.


Nakumpiska sa mga suspect ang pitong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 75 grams na nagkakahalaga ng P510,000.

Agad na dinala ang apat na babaeng suspect sa Parañaque City Police Station Custodial Facility.

Nahaharap naman ang mga suspects sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments