Isang-libong pisong umento sa SSS Pension – aprubado na ng Malacanang

MANILA, PHILIPPINES – Good news…!

 

Aprubado na ng Malacañang ang dagdag na isang-libong pisong SSS pension para sa mga retiradong miyembro nito.

 

Ayon kay SSS Chairman Amado Valdez – hawak na nila ang papel na nagsasabing pwede nang mai-release ang pangakong umento ng administrasyong Duterte.

 

Dahil retroactive ang pagbibigay ng pension increase, mula buwan ng January ang matatanggap ng mga benepisyaryo nito.

 

Paliwanag ni Valdez, ang pensyon para sa Enero ay matatanggap sa March 3 habang sa March 10 naman ang para sa buwan ng Pebrero at sa March 17 ang para sa Marso.

 

At pagsapit ng Abril, isasama na ang dagdag na P1,000 sa pensyong makukuha nila para sa nasabing buwan.

 

Maliban dito, ayon kay Valdez – marami pang dagdag na benepisyo ang makukuha ng mga retirees at beneficiaries nito pero ayaw muna nilang mangako kung kailan ito maibibigay.



Facebook Comments