Panghimagas – Umabot sa 1,000 ‘‘Zombies’’ ang nagtipon sa Hamburg, Germany bilang protesta sa G20 summit doon.
Para magmukhang zombies, pininturahan ng mga ito ang kanilang katawan ng kulay abo at mabagal na naglakad papunta sa gitnang bahagi ng siyudad.
Pagdating nila sa sentro ng Hamburg, nagsimula silang sumayaw at unti-unting inalis ang pinturang nakabalot sa kanila saka ipakita ang kanilang makukulay na kasuutan.
Ayon sa tagapagsalita ng grupong 1000 Gestalten, ng zombie-inspired na rally ay simbolo para sa mga mamamayang walang pakialam sa pulitika.
Ang G20 summit sa Hamburg, ay dinaluhan ng mga pinuno ng 20 bansang may pinakamalalaking ekonomiya sa mundo.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*
Facebook Comments