Isang lider ng criminal group sa Maynila, arestado sa buy bust operation

Nadakip na ng pulisya ang isang lider ng criminal group sa isinagawa nilang buy bust operation sa Malate, Maynila.

Nakilala ang nadakip na si Asri Sali, lider ng Bolot Crime Group habang nasakote rin ang kasabwat nito na si Virginia Dela Cruz.

Nasakote si Sali sa may kanto ng Aldecoa Street at Roxas Boulevard Service Road sa Malate.


Nakumpiska kay Sali at Dela Cruz ang limang sachet ng shabu na may bigat na isa hanggang dalawang gramo at nagkakahalaga ng higit P13,000.

Nabatid na matagal ng isinailalim ng pulisya sa surveillance si Sali kung saan ang grupo nito ang responsable sa ilang krimen sa ilang bahagi ng Maynila bukod pa sa pagbebenta ng iligal na droga.

Samantala, isang hinihinalang karnaper naman ang napatay sa operasyon ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) at ng Manila Police District (MPD) sa may bahagi ng Adriatico sa Malate, Maynila habang dalawa ang naaresto at ilang kasama nila ang pinaghahanap pa kung saan narekober naman ang tinangay na sasakyan.

Facebook Comments