Isang Lola na Wanted sa Batas, Naaresto sa Burgos, Isabela!

165

*Naguilian, Isabela- *Nasa kamay na ng kapulisan ang 60 anyos na lola na may kasong kinakaharap matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito brgy Burgos, Naguilian, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang naaresto na si Flora Dela Cruz at residente ng nasabing barangay.

Inaresto si Dela Cruz sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child abuse.

Pansamantalang makakalaya si Dela Cruz kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang walumpung libong piso (80,000.00).

Facebook Comments