Dating Brgy. Kagawad sa Cauayan City Isabela, Pinagbabaril ng Riding in Tandem-Patay!

2527

Cauayan City, Isabela – Patay ang dating Brgy. Kagawad ng Cabaruan Cauyan City matapos pagbabarilin ng riding in tandem, pasado alas otso kagabi (December 02, 2018) sa Purok 2, Brgy. Sillawit, Cauayan City.

Kinilala ang dating kagawad ng barangay at negosyante ng talyer na si Edilberto Milo Del Rosario, 39 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Cabaruan Cauayan City.


Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Cauayan, habang sa akto ng pagparada ng motorsiklo ang biktima na malapit sa bahay ng kaniyang biyenan sa Brgy. Sillawitay ay pinagbabaril ito ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo kung saan ay agad na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril sa ulo ni Del Rosario at isa sa tagilirang bahagi ng kaniyang katawan na sanhi ng agarang kamatayan nito.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Nicanor Del Rosario, ang tiyuhin ng biktima, ay sinabi niya na nagmula umano sa inuman kagabi ang biktima sa Brgy. San Isidro at may nakita umano na text messages sa cellphone ni Edilberto na umanoy banta sa buhay nito.

Ayon naman sa SOCO team, gumamit ng caliber 45 na baril ang mga suspek at hanggang sa ngayon ay blangko pa ang otoridad sa motibo ng pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers